Wednesday, March 29, 2017

Pagbebenta ng bottled gasoline, muling pinuna ng SB Malay

Posted March 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for no bottled gasolineMahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagbebenta ng bottled gasoline o mga tingi-tinging gasolina sa mga Sari-sari store o tindahan sa isla ng Boracay.

Kahapon sa 11th Regular Session ng Sangguniang Bayang ng Malay, naging panauhin ang mga Punong Barangay  ng Balabag, Manoc Manoc at Yapak kasama ang MDRRMO at Malay Fire Station Chief Admin FO2 Andri Von Rowan.

Dito ay tinalakay nila kung ano ang mga hakbang na dapat gawin sa mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng bottled gasoline kung saan ay muling napansin kahit na matagal na itong ipinagbabawal sa isla.

Ayon kay Balabag Brgy. Captain Lilibeth Sacapano, may ordinansa na umano sa kanilang Brgy. na ipinagbabawal ang pagbebenta nito at kung sinuman ang mahuli ay agad na isususpendi ang kanilang permit gayundin umano sa Brgy. ng Manoc Manoc.

Pag-alala naman ni Yapak Brgy. Captain Hector Casidsid, paano umano  ang gagawin nila sa pagdating ng emergency kung  malayo ang Yapak sa mga gasoline station.

Kaugnay nito, ayon kay SB Floribar Bautista nasa Ordinance 292 umano ay hindi nagbabawal ang pagbebenta nito subalit kailangan sumunod sa lahat ng patakaran bago mabigyan ng permit sa pagbebenta.

Sinagot naman ito ni SB Nenette-Graf, na kailangan lang umano siguro ng disiplina sa sarili ng mga tao kung alam na malapit ng maubos ang gasolina ay bumili na agad upang hindi maubusan dahil dapat na talaga itong ipagbawal.

Sinabi naman ni Catherine Fulgencio ng MDRRMO delekado umano ang pagbebenta ng bottled gasoline kung saan ni-rekomenda ito sa Bureau of Fire Protection Unit (BFP) para imbestigahan ito.

Tugon ni FO2 Rowan, kung may mapansin na nagbebenta nito at delekado sa isang lugar ay maari nila itong idulog sa otoridad para sa agarang aksyon.

Samantala, meron umanong existing ordinance dito subalit may mga bagay pang dapat ayusin kung saan nakatakda itong pag-usapan ng LGU-Malay, Brgy. Oficials at Bureau of Fire Protection Unit o (BFP).

“No Shortchanging Act of 2016”, ipapatupad na

Posted March 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for “No Shortchanging Act”
Ipapatupad na ngayon ang “No Shortchanging Act” sa bansa kung saan ang alituntunin sa tamang pagtanggap ng bayad at sukli ay dapat sundin ng mga establisyemento o mga sasakyan sa kanilang mga kustomer.

Ito ang sinabi ni DTI-Aklan Officer In Charge Ma. Carmen Iturralde kung saan ay may nakalaang penalidad sa mga lalabag dito.

Nakapaloob sa naturang batas na sa First Offense ay papatawan ng P500 pesos, Second Offense P5,000 pesos, 3rd Offence na may P 15, 000 at tatlong buwang suspension ng lisensya,  at sa 4rth Offence naman ay  P 25,000 at may revocation of license to operate.

Bukod dito, hindi dapat umano lalagpas sa sampung araw ang magrereklamo dahil lumagpas na ito ay hindi na ito pwede.

Samanatala, nag-apela naman si Iturralde sa publiko na kung may reklamo ay dumulog lang sa kanilang opisina upang agad nila itong maaksyunan.


Tuesday, March 28, 2017

Tricycle, tuloy ang arangkada habang inaayos ang E-Trike Program

Posted March 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Electric Tricycle o (E-trike)Dahil sa hindi pa maayos na operasyon ng mga Electric Tricycle o (E-trike) ay pansamantala munang ikinansela ang aging para sa mga pampasaherong traysikel sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog sa panayam ng Yes FM pagkatapos makipag-pulong ito sa mga supplier at operators ng E-trike alinsunod sa  ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board ng Malay.

Ayon sa Bise-Alkalde, hindi pa pwedeng ipatupad ang aging ng mga traysikel habang marami pang dapat ayusin at siguraduhin bago ang full implementation ng E-Trike sa isla.

Sa ginawang dayalogo, inalam ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board ang mga hinaing at nakitang problema ng mga operator sa operasyon ng E-trike.

Kung matatandaan, noon pa sanang nakaraan taon ito ipinatupad kung natapos ng E-trike Suppliers ang anim na buwang patakaran na maayos nila ang kanilang pag-operate sa isla.

Nabatid kasi na nakapaloob sa Resolution No. 074, ang ordinansa na ang lahat ng mga magpapalit ng kanilang franchise ay ni-re-required ng kumuha ng Electric Tricycle (E-trike) pampalit sa kanilang pinapasadang tricycle sa isla.

Sa ngayon ay merong apat ng E-trike Suppliers ang isla kung saan ito ay Bemac, Tojo, Gerweiss Motors at Prozza.

Pag-reactivate ng MRF, kailangan may sapat na budget – Sacapaño

Posted March 28, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Sapat na budget”.

Ito ang iminungkahi ni Balabag Barangay Captain Lilibeth Sacapaño nitong sabado sa Boracay Goodnews kaugnay sa planong pag-reactivate ng Materials Recovery Facilities O (Mrf) sa Yapak at Balabag.

Nag-ugat ang usapin dahil sa kaliwa’t-kanang reklamo hinggil sa operasyon ng Manocmanoc Centralized Mrf kung kaya’t nais ngayong i-reactivate ng LGU-Malay ang dalawang MRF sa Boracay upang mapabilis ang pag-haul ng mga basura sa sanitary landfill sa Malay.

Sa isinagawang pulong ng bagong Executive Assistant for Solid Waste Management OIC Otic Macavinta sa mga Brgy. Officals, humingi na ito ng mga kakailanganin ng bawat MRF para maging maayos na ang suliranin ng lahat at ng maging tuloy-tuloy na ang kanilang ginagawang aksyon ukol sa basura sa Manocmanoc.

Sumang-ayon naman si Sacapaño sa naturang hakbang subalit kailangan ng sapat na budget upang maging maayos ang kanilang operasyon.

Nabatid na pangunahin nilang problema sa kanilang barangay ay ang pasweldo sa kanilang mga trabahante na siya namang dahilan kung bakit hindi sila maka-operate ng maayos lalo na sa paghahakot ng basura.

Mababatid na sa Republic Act 9003, nakapaloob na ang lahat ng barangay ay obligado na magkaroon ng MRF.

Monday, March 27, 2017

Nag-iisang Aklanon, nag-tapos sa Philippine National Police Academy o PNPA

Posted March 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidlak” Class.“Determinasyon”

Ito ang susi sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng isang solong Aklanon na nakapag-graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidlak” Class.

Isa sa mga naka-graduate sa PNPA ngayong taon ang 22-anyos na si Police Insp. Ryan de Mateo Valenzuela ng Brgy. Old Buswang, Kalibo.

Nabatid na nag-aral ng kanyang Elementarya si Valenzuela sa Bakhao Sur Elementary School at nag-high school sa Aklan National High School for Arts and Trade.

Nagkolehiyo naman ito sa Northwestern Visayan Colleges o (NVC) sa kursong Education bago pumasok sa PNPA.

Si Valenzuela ay nagtapos nitong Biyernes sa Camp Castañeda, Silang, Cavite kung saan naging pangunahing bisita dito si Pangulong Rodrigo Duterte.