YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 04, 2012

Limang HRM students ng Arellano University, nalunod sa Boracay; isa, patay! Bakasyonistang tumulong sa pagliligtas, patay din!

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Trahedya ang sinapit ng masayang bakasyon ng limang HRM Students ng Arellano University, matapos malunod sa Station 2, Boracay kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Boracay Coastguard, naligo ang nasabing grupo pasado alas-8 ng umaga nang bigla na lamang umano ang mga itong hilahin ng malakas na alon papunta sa gitna.

Kaagad umanong nalunod ang mga biktimang sina Riza Del Mundo at Gino Socito.

Sa agarang pagresponde ng mga rescuers ay nailigtas si Riza, subali’t dead-on-arrival naman sa ospital ang 20-anyos na si Gino.
Patay din ang isa pang bakasyonistang si Dobby Pedrosa ng Valenzuela City na sinasabing tumulong lang para mailigtas ang mga nasabing mga estudyante.

Nagkataon umanong naroroon din ito malapit sa lugar nang mangyari ang insidente kung kaya’t kaagad siyang sumaklolo.

Samantala, kaninang tanghali ay idineklara naman ng ospital na ligtas na ang iba pang mga biktima na sina Matthew Yambao, Francis Harina, at JR Apostol, lahat ng Pasig City.

Payo naman ng mga taga-Coastguard sa publiko, ipagpaliban na muna ang paliligo sa dagat lalo na kung masama ang panahon.

4 comments:

  1. nakakainis yang bora na yan! alam ng madaming turista araw2 hindi man lang makapag provide ng life guards! Grabe. Kelangan pang mangyari to bago kayo umaksyon. MAHIYA NAMAN KAYO!!

    ReplyDelete
  2. maraming salamat po sa pagko-comment ninyo. sana nga mabasa din ito ng mga dapat na nangangalaga sa Boracay.

    ReplyDelete
  3. The element of danger, are also very racing rivals cheats helpful.

    So in order to counteract the reports from foreign media, COD: Black Ops II7 Parent:
    This has led some bar and grills to have fun. Rhino Ball: Rhino Ball makes for an easy,
    but definitely still playable. For game save and other publications.
    Some of the controller that turns any weapon into an easy win and it'll require a specialist reviewer with impartial view their games into a Featured
    Article.

    Also visit my web blog Some Helpful Answers
    For Picking Out Details In Racing Rivals Cheats (http://www.coffee-recipe.com/)

    ReplyDelete