YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 24, 2013

Basket ball court sa Barangay Balabag, inaayos pa; mga gustong maglaro doon “off-limits” muna

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Atensyon sa mga mahilig maglaro ng basket ball sa Balabag Plaza!

“Off-limits muna kayo at hindi pwedeng maglaro, hangga’t hindi pa natatapos ang ginagawa doon.

Ito ang pag-abiso ni Balabag Punong Barangay Lilibeth Sacapaño kaugnay sa pagsasaayos at umano’y pagpapaganda ng basket ball court sa Barangay Balabag.

Sinabi kasi nito kahapon na inako ng Tanduay ang nasabing proyekto kasama na ang pagmi-mentina nito, matapos umano nilang makita na nangangailangan itong ayusin.

Ayon pa kay “Kap” Lilibeth, ang Tanduay na ang magpapaganda ng basket ball court, kung saan lalagyan umano ito ng mga pailaw, aayusin ang mga ring boards nito at lalagyan ng gulong upang pwedeng ilipat.

Samantala, laking pasasalamat din umano nila sa mga tumutulong at sa mga nais pang tumulong upang lalong maging maganda ang Barangay Balabag, na siya namang itinuturing na sentro ng mga aktibidad at businesses sa isla.

No comments:

Post a Comment