YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 25, 2013

Daloy ng trapiko sa Boracay ngayong Pasko, kontrolado ng mga pulis at MAP

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Kontrolado ng mga pulis at MAP o Municipal Auxiliary Police ang daloy ng trapiko sa Boracay ngayong Pasko.

Maliban sa beach front ng isla, lalo pang tinututukan ng mga pulis at MAP ang Barangay Balabag main road, kung saan marami ang mga pasahero patungong simbahan, D’mall, at iba pang mga pamilihan sa Boracay.

Marami rin ang mga bakasyunistang pumapasok ngayon sa isla, at mga nagsisipag-uwian namang mga empleyado mula rito.

Bagay na kaliwa’t-kanan ang pag-arangkada ng mga pampasaherong traysikel, mga service vehicle ng mga resort, at maging ng mga habal-habal.

Kaugnay nito, nag-double time naman sa pagmimentina sa trapiko ang mga law enforcers sa isla.

No comments:

Post a Comment