YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 30, 2013

Mga benipisyo ng mga senior citizens sa Boracay, patitingnang muli ni dating Malay Vice Mayor Cesiron Cawaling sa SB

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patitingnang muli ni dating Malay Vice Mayor Cesiron Cawaling sa SB ang mga benipisyo ng nga senior citizens sa Boracay.

Ito ang sinabi ng dating alkalde kaninang umaga sa programang inihanda ng mga senior citizens sa Boracay, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-117th anniversary ng pagkamartir ng ating bayaning si Jose Rizal.

Ito’y matapos mabatid ni Cawaling mula sa mga senior citizens na hindi umano nila naa-avail ang kanilang diskuwento sa mga pampublikong sasakyan at maging sa mga bangka.

Kaugnay nito, nangako si Cawaling na kanyang patitingnang muli sa Sangguniang Bayan ng Malay ang naturang usapin.

Samantala, hinimok din nito ang mga opisyal ng mga senior citizens sa isla na dapat magkaroon ng programang aalalay sa kanila.

No comments:

Post a Comment