YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 24, 2013

Mga mall sa probinsya ng Aklan, siksikan na ngayong bisperas ng Kapaskuhan

Ni Gloria Villas, Yes FM Boracay

Siksikan na ngayong bisperas ng Kapaskuhan ang mga mall sa probinsya ng Aklan.

Dumagsa na kasi ang mga mamimili para sa mga ihahanda mamayang gabi sa Noche Buena at mga ibibigay na regalo.

Ayon sa ilang mga negosyante, marami ngayon ang namimili ng ipang-reregalo sa mga inaanak katulad ng mga laruang pambata, habang ang ilan naman ay mas pinipili ang mga educational toys o mga damit.

Kung panghanda naman ang pag-uusapan, kabilang sa mga maaaring bilhin at hindi pa nagtataas ang presyo ay ang pasta, fruit cocktail, keso de bola, at iba pang de-lata.

Samantala, matatandaang ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan kamakailan sa publiko na lokal na mga brand ang bilhin upang mas makamura sa bibilhing pang Noche Buena at Media Noche.

No comments:

Post a Comment