YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 24, 2013

Mga MAP sa Boracay, walang Christmas at New Year’s break

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay


Lalo umanong magpo-focus sa araw-araw na trabaho ang mga miyembro ng MAP o Municipal Auxiliary Police sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos kumpirmahin ni MAP Deputy Chief Rodito Absalon kahapon na wala silang Christmas at New Year’s break para kanilang 24 oras na pagbabantay.

Ayon kay Absalon, tututukan at paiigtingin umano nila ang pagpapatupad sa mga ordinansa sa isla ngayong dumarami pa ang mga turista.

Samantala, maliban pa sa ilalaang MAP visibility sa beach front.

Sinabi pa ni Absalon na babantayan din nila ang area ng Boraland laban sa mga masasamang loob na pumapasok sa isla.

Asahan din umano na mahigpit nilang ipapatupad ang batas kaugnay sa anti-smoking at anti-littering ordinance at proper waste segregation.

No comments:

Post a Comment