YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 13, 2014

Dumausdos na jeep sa Nabas, Aklan, nag-iwan ng isang patay at isang sugatan

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
                                 
Nag-iwan ng isang patay at isang sugatan ang isang dumausdos na jeep sa Nabas, Aklan nitong Sabado.

Ayon sa report ng Nabas Police Station, nangyari ang insidente mag-aalas 8 ng gabi sa paakyat na bahagi ng Barangay Libertad, Nabas, habang patungong Kalibo ang jeep mula sa Caticlan.

Nagkaproblema umano ang makina ng nasabing sasakyan kung kaya’t nagpanic at tumalon ang 30 anyos na si Charo Dueta y Pateno residente ng Barangay Yapak, Boracay.

Malubhang sugat sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ni Dueta kung kaya’t idineklara itong Dead On Arrival sa ospital.

Sugatan din ang isa pang pasahero ng nasabing jeep na si Teddy Berdonar y Jadia, 55 anyos ng Toledo, Nabas nang tumalon din ito kasama ni Dueta.

Samantala, kaagad ikinostodiya ng Nabas PNP ang drayber ng jeep na si Enriquito Carpio ng Linabuan Sur, Banga, Aklan matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment