YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 02, 2014

Malakas na buhos ng ulan, sumalubong sa pagpasok ng Bagong Taon sa Aklan

Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay

Kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon, sumabay din ang malakas na buhos ng ulan sa probinsya ng Aklan.

Ito ay dulot ng nararanasang tail –end cold front na ibinaba ng Pag-asa.

Ganunpaman, hindi pa rin napigilan ang mga residente na ipagdiwang ang bagong taon, katunayan, kaliwa’t kanan pa rin ang mga nagpapa-putok.

At may kaniya-kaniya ring mga gimik ang bawat isa sa pagsilay sa 2014.

Ngunit, nabatid na, halos limampung porsyentong mga mamamaya ang nagsabing ito na ang pinaka-malungkot na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ay dahil na rin sa hanggang sa kasalukuyan ay ramdam pa rin sa probinsya ang hagupit na iniwan ng bagyong Yolanda noong Nobyembre, nang nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment