YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 28, 2014

Pambibiktima ng umano’y kawatang tour guide sa tatlong Korean students kahapon, ikinadismaya ng mga taga TREU

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinadismaya ng mga taga TREU o Tourism Regulatory Enforcement Unit ang pambibiktima ng kawatan sa tatlong bakasyunistang Korean students kahapon.

Isang umano’y illegal na tour guide na naman kasi ang itinuturong responsable sa nasabing krimen dito sa Boracay.

Nabatid na humingi ng tulong kahapon sa taga TREU ang mga biktima, matapos umanong tangayin ng tour guide ang kanilang mga gamit.

Bagay na sinamahan ng mga ito ang mga umiiyak na estudyante sa himpilan ng Boracay PNP upang pormal na maghain ng reklamo.

Ayon sa mga ito, hindi na nagpakita sa kanila ang tour guide at tinangay pa ang kanilang apat na bag na may lamang pera, cell phones at iba pang gamit.

Maliban sa mga illegal vendors at ilegal na komisyoner na pinoproblema ng mga law enforcers sa isla, matagal na ring sakit sa ulo ng mga taga TREU ang mga ilegal na tour guide sa Boracay.

No comments:

Post a Comment