YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 18, 2014

Bagong Boracay PNP Chief, adbokasiya ang pagsugpo sa illegal na droga

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inaasahang lalakas pa ang kampanya ng Boracay PNP laban sa ipinagbabawal na droga.

Ito umano kasi ang adbokasiya ng bagong Boracay PNP Chief na si PSInspector Mark Evan Pedregosa Salvo para sa isla.

Magkaganon paman, aminado si Salvo na kailangan nito ang kooperasyon ng publiko, iba’t-ibang ahensya at maging ng mga taga pribadong sektor sa isla, para mabawasan kung hindi man tuluyang masugpo ang illegal na droga.

Samantala, maliban sa pagsugpo sa illegal na droga, tututukan din umano nito ang illegal gambling sa isla.

Kasalukuyan namang nagko-courtesy call sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga taga pribadong sektor si Salvo na halos dalawang linggo pa lamang umupo bilang hepe ng Boracay Tourist Assistance Center.

No comments:

Post a Comment