YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 10, 2014

Dalawang magkahiwalay na buy bust operation, ikinasa ng mga pulis sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang magkahiwalay na buy bust operation ang ikinasa ng mga pulis sa isla ng Boracay nitong Sabado.

Sa pinagsanib pwersa ng Provincial Anti- Illegal Drug Special Operation Task Group (PAIDSOTG), Boracay PNP Station at sa kooperasyon ng PDEA.

Pinaghugpong ng posas ang mag-live in partner na sina Paulo Sison Madrigal, 28 anyos at Maricris Peraset Lorena, 32 anyos ng Paclasan Roxas Oriental Mindoro, matapos na mahulihan ng shabu.

Nakuha sa posisyon at control ng mga suspect ang pitong sachet ng shabu, pitong libong peso, isang cellphone na ginagamit sa pakikipag-traksakyon ng illegal na droga at walong daang piso.

Samantala, nabatid rin na isang lalaki ang nahulihan ng shabu nang nasabi ring araw sa Barangay Balabag Boracay kung saan nakilala naman ang suspek kay Jose Pacete y Sumpay alias “toto”, 22 anyos ng Bugasong Antique.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, isang libong peso na ginamit bilang marked money at isang cellphone na naglalaman ng mga transaksyon.

Nahaharap naman sa ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

No comments:

Post a Comment