YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 12, 2014

Habal-habal driver, sasampahan ng kaso dahil sa pag-rape di-umano sa isang Swedish national

Ni  Alan  Palma Sr., YES FM Boracay

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang isang habal-habal drayber at nag tratrabaho bilang room attendant pagkatapos na ito ay maaresto ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC noong nakaraang Enero 23 taong kasalukuyan.Ang pagkaaresto ay nangyari pagkatapos na magsagawa ng intensive follow-up operation ang mga pulis sa Boracay.

Ito ay batay narin sa naging reklamo ng isang Swedish national na itinago sa pangalang “Lena”naito ay ginahasa pagkatapos na ito ay sumakay sa isang motorsiklo para magpahatid sana sa tinutuluyang resort.

Dahil sa nakainom ang biktima ay hindi niya namalayan na dinala siya ngsuspek sa maburol na bahaging isla at doon umano ginahasa.

Ang suspek ay kinilalangsi Jessie Lozada y Neves ,32 –anyos at tubong Sigma ,Capiz.

Sa salaysay ng biktima, pilit pa itong nanlaban sa suspek ,subalit tinakpan ang kanyang bibig para hindi na makalikha pa ng ingay.

Bago ang panghahalay,kasama ng biktima ang kanyang mister para iselebrar ang kanilang wedding anniversary sa Boracay pero dahil sa kaunting tampuhan ay mag-isa itong nag bar hopping.

Sa ngayon ang suspek ay nahaharap sa kasong RAPE base RA 8353 at hindi pinapayagang magpiyansa.

No comments:

Post a Comment