YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 03, 2014

Inspection Team para sa APEC Summit 2015, bibisita sa Boracay mamayang hapon

Ni Mackie Pajarillo Yes FM Boracay

Darating mamayang hapon sa isla ng Boracay ang Inspection Team para sa APEC Summit 2015.

Bisitahin at inspeksyunin kasi nila ang mga de kalidad na hotels, accommodations, at mga transport infrastructures sa isla bilang bahagi ng Philippine APEC Hosting.

Titingnan din ng mga ito ang kalinisan ng mga lugar dito, at maging ang mga tourism attractions, business at mga shopping centers.

Nabatid na darating ang inspection team mamayang ala una y medya upang tingnan ang Caticlan Airport, Caticlan at Cagban Jetty Port, maging ang Tambisaan Jetty Port.

Pangungunahan naman ni Deputy Dir. General for Conference Services Ambassador Ma. Angelina Sta. Catalina ang nasabing inspection team.

Nabatid na isinama ng Office of the President para sa Philippine APEC Hosting ang bayan ng Malay kung kaya’t puspusan na rin itong pinaghahandaan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Samantala, tatagal naman ng dalawang araw ang nasabing inspeksiyon.

No comments:

Post a Comment