YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 05, 2014

MS Deutschland, dadaong na sa Boracay ngayong Biyernes

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

MS Deutschland as seen from Stadersand on 13 May 2012.jpg
Dadaong na sa Boracay ngayong Biyernes ang MS Deutschland na may sakay na halos apat na raang pasahero.

Ito’y kinabibilangan ng 367 German National, ilang Australian at isang Filipino kabilang na ang mahigit sa tatlong daang crew.

Sa ginanap na Core Enforcement Group Meeting kahapon, pinangunahan ng Jetty Port Administration ang pulong kung saan dinaluhan naman ito ng ibat-ibang concern agencies sa isla.

Katulad sa mga nagdaang meeting halos walang nabago sa mga preparasyon maliban na lamang sa posibleng pag-iba ng ruta ng dadaanang kalsada ng mga nasabing turista dahil sa isinasagawang road construction sa Brgy. Balabag.

Alas-otso ng umaga ay inaasahang dadaong ang MS Deutschland na may hindi kalayuan sa Cagban Jetty Port.

Kinumpirma naman ng Jetty Port Administration na may kaliitan ang nasabing barko kumpara sa mga naunang bumibisita sa Boracay nitong nakaraang taon.

Samantala, babalik muli ang MS Europa 2 ngayong araw ng Sabado sa Boracay kung saan huli itong bumisita sa isla nitong nakaraang Enero  at susundan naman ito ng MS Costa Victoria sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, magkakaroon naman ng iba't-ibang water sports activities ang sakay ng naturang barko pati na ang pag-iikot sa ilang magagandang lugar sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment