YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 07, 2014

National Government, nagdagdag ng seguridad sa Ati Community sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masaya ngayon ang mga taga Ati Community sa Sitio. Lugutan Manoc-manoc Boracay.

Nagpadala kasi ang National Government ng karagdagang pulis para sa kanilang seguridad matapos mabulabog ang mga ito nang may dumaang backhoe malapit sa kanilang tinitirahan, halos dalawang buwan na ang nakakalipas.

Natakot umano ang mga ito nang makitang may ginigiba malapit sa kanilang lugar ang nasabing back hoe.

Dahil dito, lumapit sila sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa kanilang seguridad, lalo pa’t may takot parin sila hanggang ngayon dahil sa pagkakapaslang sa kanilang Spokesperson na si Dexter Condez.

Samantala dahil sa ipinadalang dagdag na kapulisan, labis-labis ang pasasalamat ng mga taga Ati Community.

Kabilang naman sa mga tumulong sa pagbabantay ng siguridad ng mga ATI ay ang mga taga Boracay PNP.

Sa kabilang dako, isang misa ang iaalay ng Ati Community sa darating na Pebrero 22, bilang paggunita sa unang taong anibersaryo sa pagkapaslang kay Dexter.

No comments:

Post a Comment