YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 11, 2014

Pagkakaroon ng NBI Satellite Office sa Aklan, malaking pabor para sa mga Aklanon

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malaking pabor para sa mga Aklanon ang pagkakaroon ng satellite ng National Bureau of Investigation o NBI sa Aklan.

Ito’y matapos ang naging pahayag ni Aklan Governor Florencio Miraflores nitong nakaraang linggo, kung saan sinabi nito na ang pagtatayo ng NBI sa Aklan ay malaking tulong para mabawasan ang mahabang linya ng mga aplikante sa Iloilo City. 

Samantala, sinabi pa ng governador na ang pag-apply ng clearance ng mga Aklanon ay napakahabang oras para ma-process ang kanilang applications sa NBI regional office sa Iloilo.

Nabatid na ngayong second-quarter ng taon na uumpisahang ipatayo ang tanggapan ng NBI Satellite Office sa Aklan para mapabilis ang kanilang serbisyo.

Ang NBI clearance ay isa sa mga kailangan ng kumpanya para malaman kung ang isang aplikanteng papasok sa trabaho, lokal man o abroad at ang kumukuha ng visa ay walang criminal records sa NBI.

No comments:

Post a Comment