YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 11, 2014

Presyo ng bulaklak, tumataas na habang papalapit ang Valentine’s Day

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Malapit na ang araw ng mga puso kaya’t tumataas na rin ngayon ang presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang okasyon.

Kaya’t payo narin ng ilang mga nagtitinda ng bulaklak sa mga may planong mag-regalo sa kanilang mga minanamahal, mamili habang maaga para maliban sa makakaiwas sa siksikan ay makakatipid pa.

Kaunti palang kasi sa mga nagtitinda ng mga bulaklak ngayon ang nagtataas ng presyo.

 
Samantala ang iba naman ay halos umaabot sa sengkwenta pesos hanggang limang daang peso ang itinaas sa presyo.

Sa ibang tindahan, ang dating 250 pesos kada tatlong sanga ng local roses ay 500 pesos na ngayon, ang mga assorted flowers na dati ay 250 pesos ay 450 na rin sa ngayon.

Samantala, nananitili naman sa dati nitong presyong 900 pesos kada tatlong sanga ang mga tulips, ecuadorian roses, blue roses at tulips blue na nasa 250 pesos parin.

Pero sa mga nais namang makatipid, maaaring bumili nalang umano ng mga stuff toys na nasa sengkwenta hanggang 1, 800 ang presyo para sa mga malalaki.

Sa ngayon ay mapapansing, dagsa narin ang mga mamimili sa dangwa habang papalapit ang Valentine’s Day.

No comments:

Post a Comment