YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 28, 2014

144 students ng Boracay National High School, umakyat sa entablado para sa graduation

Posted March 28, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Bakas sa mukha ng mga 4th year students ng Boracay National High School ang kasiyahan at pagmamalaki habang naghahanda sa kanilang processional entrance.

Graduation Day kasi nila kaninang umaga na sinaksihan din ng kani-kanilang pamilya.

Sa ginanap na 39th Commencement Exercises ng paaralan, makikita din ang tuwa sa mukha ng kanilang mga magulang habang binabasa ni Boracay National High School Principal II Jose Niro Nillasca ang confirmation ng mga ga-graduate.

Samantala, galak na galak naman ang panauhing tagapagsalita sa programa na si Patrocenia Mamburam, Principal II ng Malinao Elementary School nang batiin ng mga magsisipagtapos ng “Good Vibes”.

Aniya, ang mga kabataan talaga ngayon ay ibang-iba sa tinatawag na curiosity at pag-didiskubre ng mga iba’t-ibang bagay.

Ito rin umano ay nagpapahiwatig sa pagkakahalintulad ng kanilang graduation theme na “Hindi matitinag ang pusong Pilipino” na ang pagpapayaman ng kaalaman ay syang susi sa tagumpay.

Samantala, pinaalahanan naman nito ang mga estudyante na magsumikap sa pag-aaral at huwag sayangin ang paghihirap ng mga magulang upang sila ay mabigyan ng magandang edukasyon.

Hinikayat din ni Mamburam ang mga estudyante na huwag kalimutan ang mga magagandang itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro at lagi itong pasalamatan.

Nasa 66 naman ang nagtapos na kalalakihan sa nasabing paaralan at 78 naman ang babae.

No comments:

Post a Comment