YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 27, 2014

Bagong KBP Aklan Chairman, may payo sa mga estudyanteng magtatapos ngayon at balak pumasok sa media

Posted March 27, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Dapat gusto mo at may passion ka sa ginagawa mo”

Ito ang payo ni bagong KBP Aklan Chairman, Ron Bautista sa mga estudyanteng magtatapos ngayon at balak pumasok sa mundo ng media.

Aniya, kaakibat sa trabaho ng pagiging mamamahayag ang responsibilidad sa publiko na maghatid ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, social education at entertainment.

Gayunpaman, kung masasabi umanong malawak man ang sakop nito, kinakailangan ang buong pusong pagmamahal sa ganitong trabaho at dapat gusto mo ang ginagawa mo.

Samantala, isa naman sa mga nakatakdang programa at mekanismo ng KBP Aklan ngayong taon ay may kinalaman sa edukasyon at mga konseptong may kaugnayan sa isyung pangkapaligiran.

Patuloy rin umano ang pakikipagtulungan ng organisasyon sa mga ahensya ng gobyerno upang mas makapagbigay tulong sa komunidad.

Nanumpa naman si Bautista sa posisyon bilang bagong pangulo ng KBP Aklan kahapon sa Aklan Governor’s Guest House.

No comments:

Post a Comment