YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 12, 2014

Dahil sa hindi pagkakaintindihan; Lalaki, binugbog sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Ang mga bagay na inaakala mong tapos na ay hindi pala”

Ito’y matapos na bugbog sarado ang isang lalaki sa Boracay nang umasang tapos na ang giriian sa pagitan nila ng nakainitan sa isang bar sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, nagreklamo ang biktima na nakilalang si Alejadro Alcasarin, 29- anyos ng Sibaguan, Roxas City matapos sungguban at bugbugin ng nasa tinatayang sampung mga katao.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nabatid na papauwi na ang biktima galing sa isang bar sa Boracay nang hindi nito akalaing sinundan sya ng kanyang mga nakaalitan at saka binugbog.

Agad namang nakatakas ang mga nambugbog sa biktima kung saan nag-iwan ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Samantala kasalukuyan naman sa ngayong iniimbistigahan ng mga taga Boracay PNP Station ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment