YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 03, 2014

Dalawang magkasunod na buy bust operation, ikinasa ng Boracay PNP; 8 sachet ng shabu, nasabat

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Timbog ang tatlong mga suspetsado sa magkasunod na buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa isla ng Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station.

Unang sinalakay ng mga operatiba ng PDEA, at BTAC Special Anti-Illegal Drug Operation Task Group ang bahay ni Jerry Molina, Jr. 32 anyos sa Brgy. Balabag Boracay kung saan nasabat ang apat na sachet ng shabu.

Samantala, apat na sachet rin ng shabu ang nakumpiska sa So. Angol Manoc-manoc Boracay mula kina Evert Samson, alyas “kokoy” 39 anyos at Edrick Maghari, alyas “james” 37 anyos ng Poblacion North, Larena Siquor.

Inilahad ng mga otoridad na patuloy ang kanilang pagmamanman para sawatain ang banta ng grupong responsable sa pagpapakalat ng mga droga sa isla ng Boracay at kalapit na mga lugar.

Samantala, nahaharap naman ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

No comments:

Post a Comment