YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 11, 2014

Mga turistang sakay ng MS Costa Atlantica, masayang nag-selfie sa Ati-atihan performers sa Cagban Port

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ni Hao Ma at Welcome to Boracay!

Ito ang masayang pagbati ng mga Ati-atihan performers sa Cagban Port kanina, sa mga dumating na turistang sakay ng MS Costa Atlantica.

Nag-selfie kasi ang mga ito sa mga nasabing performers bago lumabas ng Cagban at mamasyal sa isla.

Kabilang sa mga turistang nagpa-selfie, ang mga mag-asawa, magkasintahan, at maging ilang indibidwal na tuwang-tuwa sa kulay orange na costume ng mga Ati-atihan performers.

Samantala, masaya naman ang mga itong nagpalitrato sa mga turista bilang pagpapakita ng kanilang pagtanggap sa mga nasabing bisita.

Nabatid na naghahanda ng Ati-atihan Performers ang Aklan Provincial Government sa Cagban Port sa tuwing may bibisitang cruise ship sa Boracay.

No comments:

Post a Comment