YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 31, 2014

Tourism Workshop, ilulunsad sa Boracay sa darating na Mayo

Posted March 31, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatakdang ilunsad ang isang tourism workshop sa darating na buwan ng Mayo.

Ito’y upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang iba’t-ibang ahensya na bahagi ng cruise ship tourism sa Boracay.

Sa ginanap na pagpupulong nitong Sabado kaugnay sa pagbisita ng MS Super Star Aquarius bukas.

Sinabi ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na nararapat na mabigyang pansin ang mga problema kaugnay sa pagbisita ng mga cruise ship katulad ng seguridad, problema sa immigration at quarantine.

Samantala, ipinagmalaki din nito ang isla ng Boracay bilang cruise ship destination, dahil sa dami ng mga aktibidad na maaaring kahumalingan ng mga turistang bababa.

Ayon naman kay Department of Tourism (DOT) Officer In charge Tim Ticar, kasama sa mga ahensyang sasailalim sa nasabing work shop ang mga taga MARINA, Maritime Police, Boracay PNP, at Philippine Coastguard.

No comments:

Post a Comment