YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 01, 2014

3 Agri-technologist galing Aklan, hinirang ng DA na Best Extension Workers

Posted April 1, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hinirang ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong mga Agri-Technologist galing sa probinsya ng Aklan.

Ito’y sina Alice Rebuelta at Neniveh Ron ng Kalibo at Dominador Rasco, Jr. ng Banga Aklan.

Ang naturang Outstanding Agricultural Extension Workers (AEWs) Award ay isa sa mga prestihiyosong parangal ng Department of Agriculture para sa mga empleyedo na may magandang ipinamalas sa larangan ng Agrikultura.

Kaugnay nito, isa rin ang Banga Aklan na syang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng bigas at palay sa probinsya sa mga pinarangalan bilang “DA’s Rice Achievers Awardee” para sa Western Visayas.

Maliban sa parangal, nakatanggap rin ang nasabing munisipalidad ng isang milyong piso galing sa ahensya.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Neniveh Ron, isa sa mga Aklanong awardee na gagamitin umano ang nasabing pera para mas lalo pang mapalago ang mga palayan sa Aklan.

No comments:

Post a Comment