YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

Babae sa Boracay, nawalan ng malay matapos bugbugin ng dating karelasyon ng kanyang ex-boyfriend

Posted April 22, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang magharap sa Barangay Justice System ang dalawang babae sa Boracay dahil sa kasong physical injury.

Nagreklamo kasi sa Boracay PNP ang isang 18-anyos na dalaga matapos umanong bugbugin ng dating karelasyon ng mismo nitong ex-boyfriend.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nasa kanyang trabaho sa isang fruit shake ang biktima nang dumating ang suspek at hinila ito sa buhok, sinipa ng dalawang beses sa tiyan, kung kaya’t nawalan ito ng malay.

Kinompronta din umano sya ng nasabing babae hinggil sa dati nitong problema sa kanilang dating nobyo.

Samantala, minarapat namang ipagkatiwala ng Boracay PNP sa barangay ang nasabing problema.

No comments:

Post a Comment