YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 02, 2014

Bading na nag-aantay ng foreigner na guest sa Boracay, sinabunutan at sinuntok ng isang lalaki

Posted April 2, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Maluha-luhang humihingi ng kapatawaran ang isang lalaki sa isang bading matapos nya itong sabunutan at suntukin sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP Station, madaling araw kanina nang nagpasaklolo sa mga patrol members ng Boracay PNP ang isang bading matapos na sabunutan at suntukin ng nasabing lalaki.

Inaantay kasi umano ni Adrin Francisco, 19-anyos ng Kalibo Aklan ang guest nitong foreigner sa harap ng isang resort sa Balabag Boracay, nang nilapitan ni Alvin Diaz, 20-anyos ng Panit-an Capiz at sa hindi malamang dahilan ay sinabunutan ito at saka sinuntok.

Ayon pa sa report, hinila din umano ng lalaki ang bading patungo sa baybayin ng Boracay at pinagsasabunutan.

Samantala, nang sa himpilan naman ng pulisya ay nagkasundo ang dalawa na sa Barangay Justice System na lang ayusin ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment