YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 29, 2014

Dalawang magkahiwalay na kaso ng pagnanakaw, naitala kagabi sa Boracay PNP Station

Posted April 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang lalaking pinoy at isang babaeng Korean national ang ninakawan kagabi sa isla ng Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, unang naitala ang pagnanakaw sa dalawang pinoy na sina Aron John Baron, 30 anyos at Rizaldy Caronongan, 37 anyos parehong taga Pampanga at nagbabakasyon sa Boracay.

Ayon sa dalawa, matapos itong mag-inuman sa Balabag Boracay ay napahiga at nakatulog sa front beach ng Station 1 Boracay at nagising na lamang na nawawala na ang kanilang mga gamit at pera.

Samantala, sinundan naman ito kaninang madaling araw ng nakawan rin ang isang babaeng Korean national na si Mira Song, 35 anyos ng South Korea.

Ayon sa report, natutulog ang biktima sa beach bed ng isang resort sa front beach ng Balabag Boracay nang ninakaw ang kanyang cellphone at ilang mga gadget.

Lumalabas naman sa pagsusuri ng CCTV camera ng resort na dalawang lalaki ang nagtago sa towel ang lumapit sa biktima at nagnakaw ng kanyang mga gamit.

Patuloy naman na iniimbestigahan ang nasabing kaso hinggil sa pakakakilanlan ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment