YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 24, 2014

Danish national na nanira ng isang ATM Booth, inereklamo sa Boracay PNP

Posted April 24, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng mga taga Boracay PNP Station ang kaso hinggil sa paninira di umano ng isang Danish national ng ATM Booth sa Balabag Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, bandang alas dose kanina ng hating-gabi habang nag-papatrolya ang mga kapulisan sa front beach ng Balabag Boracay, isang babae ang lumapit sa kanila at nagsumbong na sinira ng lalaking foreigner ang ATM booth sa nasabing lugar.

Nang siyasatin ng mga mga pulis, lumalabas sa imbestigasyon na nag-widraw ang lalaking Danish national na si Christopher Ian Vedelsby sa nasabing ATM machine subalit nang palabas na umano ito ay nalamang ine-lock pala ang pinto ng Booth.

Kaya’t ayon naman sa turista wala umano itong nagawa kundi ang sirain nalang ang salamin na pintuan kung saan nagresulta rin ng sugat sa kanyang kaliwang binti.

Samantala, inaalam din sa ngayon ng mga pulis kung sino ang nag-lock ng nasabing ATM booth habang nasa loob ang turista.

No comments:

Post a Comment