YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 08, 2014

Establishment Owner sa Boracay, inpina-blotter ang dating cashier matapos malaman na sya pala ay pinagnakawan

Posted April 8, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ipinablotter ng may-ari ng isang establisyemento sa Boracay ang dati nitong cashier matapos na umano’y pinagnakawan sya nito ng pera.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nagtaka di umano ang may-ari ng establisyemento dahil sa nakabili ng necklace ang kanyang dating cashier na nagkakahalaga ng limang libong piso at nasa mahigit kumulang isang libong piso ang pendant.

Dahil dito, sinuri di umano ng may-ari ng nasabing establisyemento ang kanilang CCTV camera at doon nalamang kinupit pala ng kanyang dating cashier ang pera sa kanilang cash register.

Kaya’t payo naman ngayon ng mga otoridad sa mga establishment owners, huwag basta-basta magtitiwala at suriing mabuti ang ugali ng bawat empleyado.

No comments:

Post a Comment