YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 25, 2014

Ibajay Rural Bank, nasunog; Asst. Manager ng bangko, patay

Posted April 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Unit Ibajay hinggil sa nangyaring sunog kaninang umaga sa Ibajay Rural Bank, Poblacion Ibajay.

Ayon kay Fire Officer 3 David Ong ng Bureau of Fire Ibajay, halos tumagal ng isang oras  bago naapula ang apoy, kung saan kinailangan pa ng mga itong humingi ng tulong sa kalapit na mga BFP Unit.

Bagamat, tumangging magbigay muna ng impormasyon ang himpilan sa naging sanhi ng sunog at bilang ng mga casualties, kinumpirma naman nito na pumanaw ang Asst. Manager ng nasabing bangko na si Gabriel Manican habang dinadala sa ospital.

Samantala, kasalukuyan parin  umanong nasa area ngayon ang imbestigador na si Senior Fire Officer 2 Ricardo Igtanloc para alamin ang naging sanhi ng sunog at ang ilan pang mga mahahalagang detalye.

No comments:

Post a Comment