YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 07, 2014

Ikaanim na most wanted person sa bayan ng Malay, arestado sa Boracay

Posted April 7, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bumagsak sa kamay ng mga taga Boracay PNP ang ikaanim na most wanted person sa bayan ng Malay.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Domingo Casiple Jr., Presiding Judge RTC Branch 7, Kalibo nitong nakaraang October 1, 2013.

Naaresto ng mga operatiba nitong hapon sa Sitio Bantud Barangay Manoc-manoc ang wanted na si Janjan Martin y Tayatay na kilala rin sa pangalang Raffy Martin y Tayatay, 27 anyos at residente ng nasabing barangay.

Nabatid na may kasong pagnanakaw sa ilalim ng criminal case number 11151 si Tayatay kung saan nakapako sa isang daang libong piso ang inirekomendang piyansa nito.

Kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Boracay PNP si Tayatay para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment