YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 07, 2014

Ikalawang Flores De Mayo sa Boracay, ikinasa na ng BFI

Posted April 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinasa na ng Boracay Foundation Inc. ang kanilang ikalawang taong pag-organisa ng Flores De Mayo sa isla ng Boracay.

Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, sa Mayo-24 na ito gaganapin na lalahukan ng mga dalaga mula sa ibat-ibang business establishment sa isla.

Kaugnay nito isa umanong misa ang kanilang isasagawa sa Balabag Church simula alas-tres ng hapon na susundan naman ng parada sa beach front hanggang sa isang resort sa station 2 para ganapin ang awarding.

Bagamat matagal pa, patuloy parin ngayon ang pagtanggap ng mga aplikante ng BFI na nais sumali sa kanilang aktibidad o hiranging Reyna Elena ng Boracay ngayong taon.

Nilinaw pa nito na kahit hindi miyembro ng kanilang foundation o walang kinabibilangang organisasyon ay maaaring sumali dito lalo na ang mga residente ng Boracay.

Inaasahan naman ng nasabing foundation na marami ang sasali ngayong taon dahil na rin sa may kaibahan ito kumpara sa ibang Flores De Mayo sa bansa.

Dagdag pa ni Miraflores taon-taon na umano nila itong gagawin para mayroong bagong aabangan ang mga turistang dadayo sa Boracay dahil bukod sa mgandang tanawin.

Samantala, maaari namang lumahok dito ang mga babaeng may-edad 14-anyos pataas para sa Flores De Mayo ng Boracay 2014.

No comments:

Post a Comment