YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 23, 2014

Implementasyon ng BRTF, balik na sa normal ngayong tapos na ang Holy Week

Posted April 23, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Photo credit by: world66.com
Balik na sa normal ang implementasyon ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ngayong tapos na ang Holy Week.

Ayon kay Boracay Redevelopment Task Force Chairman at Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño.

Tuloy-tuloy ang mga naka iskedyul na programa ng BRTF kahit dumaan pa ang Semana Santa, lalo pa aniya’t wala nang off season sa Boracay.

Katunayan, sinabi pa ng administrador na inayos na ng BRTF ang command center sa station 2 para sa mga taga Red Cross, Lifeguard, at Municipal Auxiliary Police, bilang bahagi ng redevelopment sa isla.

Samantala, maaalalang sinabi ni Sacapaño na may kahigpitan nguni’t balanse ang pagpapatupad nila ng batas ngayon sa Boracay kaugnay sa redevelopment.

No comments:

Post a Comment