YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 02, 2014

Italian National, ninakawan ng pera at alahas sa Boracay

Posted April 2, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang Italian national matapos na umano’y nakawan ng mga alahas at pera sa Boracay.

Nakilala sa blotter report ang bakasyunistang Italiano na si Pietro Toffaldano, 51 anyos, ng Shanghai China.

Base sa pahayag ng biktima, bandang ala sais kagabi nang umalis ito at ang dalawang kasamang pinay sa tinutuluyang hotel sa barangay Balabag Boracay at bumalik ng mga alas syite nang matuklasang nawawala na ang Nokia C3 cell phone at charger ng Italiano sa kanilang kwarto.

Nawawala rin di umano ang pera ng dalawang babae na umaabot ng mahigit limang libong piso.

Samantala, sa isinagawa namang follow-up investigation ng pulisya, nalaman na una nang nag-reklamo ang tatlo sa front desk ng nasabing hotel hinggil sa mga nawawala nitong gamit subalit base sa pagsusuri sa CCTV camera ay wala namang nakitang pumasok sa kwarto ng mga biktima.

No comments:

Post a Comment