YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 14, 2014

Lalaki, sinaksak habang nakahiga sa baybayin ng Boracay

Posted April 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isinugod sa ospital ang 45-anyos na lalaki matapos saksakin habang nakahiga sa baybayin ng Balabag Boracay kagabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, hating-gabi kanina nang humihiga ang biktima na nakilalang si Arcadio Miguel ng Poblacion, Nabas, Aklan nang saksakin sa likod ng dalawang hindi nakilalang mga suspek at agad tumakas.

Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng mga kapulisan tungkol sa nasabing krimen at sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment