YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 14, 2014

Lalaking Korean national, nalunod sa Boracay; Patay

Posted April 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patay ang isang 41-anyos na Korean national matapos malunod habang naliligo kahapon ng hapon sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naliligo ang koreanong si Do Hyeung Jung sa harapan ng resort nitong tinutuluyan sa So. Pinaungon, Balabag, Boracay nang makita ng mga resort staff doon na nalulunod.

Agad umanong dinala ang biktima sa ospital subalit ideneklara itong dead on arrival.

Kasalukuyan namang nasa isang punerarya sa Caticlan ang bangkay ng biktima at nakatakdang dalhin sa Korea.

No comments:

Post a Comment