YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 28, 2014

Launching ng Municipal Advisory Council ng BTAC, ngayong araw na

Posted April 28, 2014 as of 10:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ngayong araw na ang launching ng Municipal Advisory Council ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.

Katunayan, isang oath taking ceremony para sa mga magiging miyembro ng council ang gaganapin ngayong alas 9 ng umaga sa Malay Action Center Balabag pagkatapos ng isang open forum at election of officers.

Nabatid na layunin ng MAC na makalikom ng suporta mula sa miyembro ng Local Government Unit (LGU), Stakeholder, legal counsel, Non-Government Organization (NGO) at pribadong ahensya upang maging katuwang ng PNP sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police sa pamamagitan ng Performance Governance System o PATROL Plan 2030.

Inaasahang dadaluhan ng ilang indibidwal mula sa iba’t-ibang asosasyon ang launching ng MAC na pangungunahan mismo ni Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo.

No comments:

Post a Comment