YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 02, 2014

MoA para sa Supplementary feeding program ng DSWD, aprobado na ng SB Malay

Posted April 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aprobado na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Memorandum of Agreement o MoA kaugnay sa Supplementary Feeding Program ng DSWD.

Ang nasabing MoA ay hiniling ni Mayor John P. Yap sa SB Malay sa pamamagitan ng Department of Social Welfare (DSWD)-Field Office VI para sa nasabing programa.

Ito’y tinalakay sa ginanap na SB Session ng Malay kahapon ng umaga kung saan sinang-ayunan naman ito ng buong konseho.

Bilang benipisyaryo nito ang Supplementary Feeding Program ng DSWD ay pakikinabangan ng child and welfare, family and community welfare and nutrition services ng bayan ng Malay.

Natuwa naman ang SB Malay sa Feeding Program ng DSWD na may malaking gagampanan para sa kanilang bayan.

Samantala, nagawan na rin ang nasabing MoA ng draft ng SB Office para masimulang maipatupad ang nasabing programa.

No comments:

Post a Comment