YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 09, 2014

Nasa 400 ektarya ng gubat sa barangay Nabaoy, nasunog

Posted April 9, 2014 as of 9:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iniimbistigahan pa rin ng Bureau of Fire Boracay ang sanhi ng nangyaring Forest Fire sa bundok ng Barangay Nabaoy kahapon.

Ayon kay FO1 Rallie Lou ng Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) Boracay.

Nasa 400 ektarya ng gubat doon ang nasunog na nagsimula alas 10:30 kahapon ng umaga.

Pinagtulungang puksain ng mga taga Bureau of Fire Ibajay, TransAire Fire Rescue, at mga barangay volunteers ng Malay ang sunog na inabot ng hanggang alas 4:30 ng hapon.

Wala namang naiulat na iba pang pinsala sa nasabing sunog maliban sa mga maliliit na punong-kahoy. 

No comments:

Post a Comment