YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 21, 2014

Paggunita ng Semana Santa sa Boracay, naging peaceful ayon sa Boracay PNP

Posted April 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Peaceful naman ang Boracay.

Ito ang kampanting sinabi ni Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo, sa kabila ng pagdagsa ng libo-libong turista sa Boracay nitong nagdaang Semana Santa.

Aniya, wala naman silang naitalang untoward incidents sa Boracay nitong nagdaang Holy Week maliban na lamang umano sa iilang petty crimes na hindi naman nakaapekto sa paggunita ng Semana Santa.

Samantala, sinabi pa nito na wala namang dapat baguhin sa  mga paghahanda sa seguridad sa Boracay pagdating ng Semana Santa.

Aminado naman si Salvo na kailangan lamang nilang e-improve ang pagpapaigting ng seguridad para sa mga susunod pang taon.

Nagpasalamat din ito sa mga taga Boracay Action Group na naging mapayapang selbrasyon ng Holy Week sa isla.

No comments:

Post a Comment