YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

Philippine Coastguard, naka- heighten alert parin kahit tapos na ang Semana Santa

Posted April 22, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naka heighten alert parin ang Philippine Coast Guard (PCG) kahit tapos na ang Semana Santa.

Ayon kay PO1st Condrito Alvarez Jr. ng PCG Caticlan, nagpapatuloy pa rin ang kanilang passenger assistance para sa pagdagsa ng mga pasaherong balik-trabaho lalo na sa mga nagbakasyon sa Boracay nitong Holy Week.

Aniya, mahigpit rin ang kanilang ipinapatupad na pagpapasuot ng life jacket sa mga pasahero ng bangka, kasabay ng paalala na ilagay ang kanilang mga pangalan sa manipesto.

Samantala, nabatid rin na nitong nagdaang linggo bago ang Semana Santa ay nagpalagay na ang Coast Guard ng mga passenger assistance center sa lahat ng mga pantalan sa Caticlan at Boracay.

Sinabi rin ni Alvarez na sa ngayon ay walang anumang problema sa biyahe ng RoRo, kasabay ng pagbibigay paalala sa mga biyahero na mag-ingat at sumunod sa mga alituntunin ng Coast Guard.

No comments:

Post a Comment