YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 23, 2014

Tourist arrival sa Boracay nitong Holy Week, pumalo ng mahigit 45 Libo

Posted April 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pumalo ng mahigit sa 45 libo ang naitalang tourist arrival ng Caticlan Jetty Port sa Boracay nitong nakaraang Holy Week.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, simula noong Abril-14 hanggang Abril-20 ay naitala nila ang 45, 767 tourist arrival na bumisita sa isla ng Boracay nitong Semana Santa.

Aniya, mas mataas ngayon ang kanilang naitalang arrival kumpara noong nakalipas na taon na umabot lamang ng 39, 120.

Karamihan naman sa mga nagbakasyon sa Boracay nitong Holy Week ay ang mga local tourist na piniling dito sulitin ang kanilang mahabang bakasyon sa isla.

Nauna ng sinabi ng Department of Tourism (DOT) na target nilang makapagtala ng 1.5 million tourist ngayong taong 2014.

Sa kabilang banda, wala naman naging problema ang nasabing pantalan sa pagbuhos ng mga turista noong nakaraang linggo dahil sa kanilang pagiging handa kabilang na ang pagpapatupad ng seguridad.

Samantala, patuloy parin ngayon ang buhos ng mga turista sa isla ng Boracay, na pinangunguhan ng Korean at Taiwanese National maging ang mga Pinoy para sa kanilang summer vacation.

No comments:

Post a Comment