YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 28, 2014

(Update) Ibajay PNP, blangko pa sa suspek sa pinatay na Asst. Manager ng Rural Bank of Ibajay

Posted April 28, 2014 as of 2:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Ibajay PNP Station hinggil sa umano’y pagkakatukoy ng suspek sa pinatay na Asst. Manager ng Rural Bank of Ibajay sa Aklan.

Ayon kay PO1 George Regalado, kasalukuyan paring nagpupulong ang mga iba’t-ibang operatiba na nag-iimbestiga sa nasabing kaso.

Samantala, matatandaan sa mga naunang imbestigasyon batay sa lumabas na resulta sa isinagawang post-mortem and autopsy examinations ng Provincial Scene of the Crime Operatives (SOCO), na nag-negatibo ang bangkay ng 68 anyos na biktimang si Gabriel Manican sa gunpowder.

Si Manican ay nabaril nitong Biyernes, (Abril 25) kung saan nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib nang maganap rin ang sunog sa mismong bangko.

No comments:

Post a Comment