YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 14, 2014

Aklan Governor Miraflores, hindi ikinabahala ang paglabas ng kanyang pangalan sa Napoles list

Posted May 14, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mistula umanong hindi worried sa paglabas ng kanyang pangalan sa Napoles list si Aklan Governor Miraflores.

Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty.Selwyn Ibarreta, parang ‘business as usual’ ang naging reaksyon ni Governor Miraflores nang malaman kahapon ang balita na kasama siya sa listahan ng mga senador at congressman na inilabas ni dating senador at ngayo’y Rehabilitation czar Panfilo Lacson.

Sinabi pa ni Ibarreta na base sa kanyang opinyon, maaaring maraming lumabas na listing kaugnay sa pork barrel scam, kung kaya’t hindi rin umano masasabi kung ano talaga ang totoo.

Samantala, kaugnay nito, kinampante naman ni Ibarreta ang loob ng mga Aklanon hinggil sa nasabing balita.

Nabatid na humihingi ng sapat na ebidensiya ang 12 dati at incumbent senator at 68 ang kongresista matapos masangkot sa listahan ang kanilang mga pangalan.

No comments:

Post a Comment