YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 29, 2014

Babae dumulog sa Boracay PNP matapos tangkaing saksakin ng ice speak

Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dumulog sa tanggapan ng Boracay Police station ang isang babae matapos tangkaing saksakin ng ice speak ng isa ring babae sa Brgy. Manocmanoc isla ng Boracay.

Ayon sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nagreklamo sa kanilang tanggpan  ang biktimang kinilalang si Angie Pacaonsis, 32-anyos na tubong San Enrique, Iloilo .

Sa pahayag ng biktima sumugod umano sa kaniyang boardinghouse ang inaakusahang suspek na si Elizabeth Gelito ng nasabi ring lugar ng walang kadahilanan.

Aniya, sumisigaw umano ito habang bitbit ang dala-dala niyang ice speak kung at inaalegar na tinatangka siyang sasaksakin.

Nabatid na hindi pa nakuntinto ang suspek at ang siding ng kaniyang kwarto ang napag-diskitahan sa pamamagitan ng pagsaksak nito gamit ang kaniyang ice speak saka nagbasag ng botelya.

Dahil sa ginawa ng suspek nag resulta naman ito ng takot at iskandalo sa pagitan ng biktima kung saan agad nitong ini-report sa pulisya ang nangyari.

Samantala, nagkaayos naman ang dalawang panig matapos ang ginawang operasyon ng mga kapulisan kung saan ang kaso ay idinulog na lamang sa Brgy. Justice System ng Brgy. Manocmanoc.

No comments:

Post a Comment