YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 06, 2014

Bakasyunistang umano’y naninigarilyo ng marijuana sa Boracay, arestado

Posted May 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatakdang iharap sa Kalibo Prosecutor’s Office ngayong araw ang isang bakasyunista sa Boracay dahil sa umano’y paninigarilyo ng marijuana.

Base sa police report ng Boracay PNP, isang matapang na amoy ang nakatawag sa atensyon ng mga taga Municipal Auxiliary Police (MAP) na nagbabantay sa isang event sa station 1 Balabag nitong Sabado ng gabi.

Nagmumula pala ang amoy sa nasabing turista na naninigarilyo ng marijuana, kung kaya’t kaagad umano nilang kinompronta.

Nakinilala naman ang suspek na Victor Angelo Diaz Rivera, 24 anyos ng Paranaque City at tumutuloy sa isang resort sa station 3 Boracay.

Ayon pa sa report, isang komosyon ang naganap hangga’t naaresto ang suspek at narekober ang sinindihang marijuana.

Kaagad ding ipinagkatiwala ng MAP sa mga taga Boracay PNP ang nasabing turista para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment