YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 22, 2014

BIWC, kinumpirma ang paglalagay ng “drinking water station” sa Cagban Port

Posted May 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kinumpirma ngayon ng BIWC ang paglalagay nila ng “drinking water station” sa Cagban Port.

Katunayan, sinabi ni Boracay Island Water Company (BIWC) Customer Service Officer Acs Aldaba na tatlong drinking water stations ang naka-propose nilang ipagawa at isa na rito ang sa Cagban.

Anya, ang nasabing hakbang ng BIWC at Manila Water Foundation ay bilang pakikipagtulungan nila sa proyektong jetty port expansion ng pamahalaang probinsyal ng Aklan.

Samantala, nilinaw naman ni Aldaba na ilalagay mismo ang “drinking water station” sa terminal para may maiinom na tubig ang mga bakasyunista at turista sa Boracay.

Taong 2012 pa umano ito napag-planohan at ipinakiusap ni Tourism Sec. Ramon Jimenez na kaagad gawin, subalit ngayon lamang naisakatuparan dahil sa pagkokonsidera ng ilang lokasyon.

No comments:

Post a Comment