YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 29, 2014

International Paddle For The Planet Day, nakatakdang gawin sa Boracay

Posted May 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang araw mula ngayon ay gaganapin ang International Paddle for the Planet Day sa isla ng Boracay.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong tumulong at magbigay kontribusyon sa iba’t-ibang “environmental advocacy” sa isla.

Layunin din umano nitong pagkaisahin ang mga paddlers sa buong mundo para sa pagkakaroon ng “Global Relay” upang palawigin ang kamalayan sa kapaligiran at mapangalagaan ang mga karagatan.

Samantala, nabatid na kabilang sa mga makikilahok sa nasabing aktibidad ang Boracay's Dragonboat Teams, Kayakers, SUP's at maraming pang iba.

Magkakaroon rin ng Beach Clean-Up ang mga kalahok sa mga coastal areas at front beach ng Boracay.

Ang International Paddle Planet Day ay gaganapin sa June 1, 2014 alas dyes ng umaga.

No comments:

Post a Comment