YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 29, 2014

Isang tindahan ng prutas at gulay sa Boracay, tinupok ng apoy kagabi

Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sunod-sunod na umalingaw-ngaw ang sasakyan ng Boracay Fire Protection Unit kagabi para rumispondi sa nangyaring sunog sa Mainroad ng Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Basi sa report ng BFP Boracay, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kung saan ini-imporma sila na mayroong nagaganap na sunog sa nasabing lugar.

Napag-alaman na isang tindahan ng gulay at prutas ang natupok doon kung saan yari sa light materials ang ilang bahagi nito.

Sa ngayon wala pang makuhang dahilan ang BFP kung saan nagmula ang pinangyarihan ng sunog na nagresulta ng pagkatupok ng tindahan.

Patuloy naman ngayon ang ginagawang follow-up investigation ng Boracay Fire Protection Unit tungkol sa nangyaring sunog at kung magkano ang pinsalang idinulot nito.

No comments:

Post a Comment